Kidlat sa Talumpati ng Presidente

Kahapon ay ang anibersaryo ng EDSA People Power.
Dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas ng mawakasan ang diktadurya sa bansa.
Walang pasok ang mga estudyante.
May mga nakahilerang mga gawain upang gunitain ang makasaysayang pangyayaring ito.
At asan ako?

Inaamin ko, marahil ito ay dahil ako ay ipinanganak siyam na buwan pagkatapos ng People Power, kahapon ay isang pangkaraniwan na araw lamang para sakin.
At ang pangkaraniwan na araw ko ay nagsisimula sa pagpasok sa trabaho.

Gaya ng lagi, ako ay nahuli na naman sa paggising kaya kinailangan kong mag taxi.
Saktong habang nasa taxi, ang programa sa radyong naka-on ay itinatampok ang pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA. Parte ng programa ay ang talumpati ng Presidente Aquino.

Nagsimula ito bilang karaniwan na talumpati ng isang presidente.
Ako ay nakinig ng walang gaanong bahala. Pero ako ay nakikinig.
At sa aking pakinig, ay bigla akong naantig sa isang bahagi ng kanyang sinabi.

“Ang naiisip ko nga po minsan, parang nawili na tayo sa siklo ng pagbagsak at pagtindig, na tila ba hindi natin matanggap na maaari tayong dumiretso at umasenso, nang hindi muling nagagalusan, nang hindi muling naaapi, nang hindi muling nasasaktan. Mahirap nga pong aminin: eksperto man tayo sa pagbangon, tila nagkukulang tayo sa pagsulong at pag-asenso.”

Sobrang sang-ayon ako dito. Naisip ko din ito minsan.
Hindi lang tayo nagkukulang sa pagsulong at pag-asenso, ngunit tila hindi ata natin matanggap na tayo o ang kapwa natin ay umaasenso na.

Alam ko, hindi madali ang daan para umasenso, pero hindi rin ito puno lang ng pasakit. Sa bawat pasakit na lang ay nagrereklamo na tayo kaagad, mag-aalsa na kaagad, bikitma na kaagad.

Oo, tayo ay malaya na. Pero hindi ibig sabihin nito ay madali na ang buhay.
Kailangan pa rin ipagpatuloy ang pag-kakaisa na ipinakita noong People Power.
Mayaman man o mahirap, lahat tayo ay may ginampanan na papel sa pagbabagong yon.
Dapat ganon din sa pagsulong at pag asenso.
Kahit sino man ang mauna.

**Tingnan ang buong talumpati ni Pres. Aquino.

Advertisements


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s